KALIWAT-kanan na ang mga nagpahayag ng suporta kay Senatorial Candidate Pastor Apollo Quiboloy at sa iba pang pambato ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte simula ng pumasok ang campaign period noong Feb. 11.
Ang mga supporter hindi lamang dito sa Pilipinas kungdi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa bahagi ng Maynila, 180 na Barangay Chairman ang nagsagawa ng unity gathering, araw ng linggo, Feb. 16 para ipakita ang kanilang mainit na suporta para sa PDP-Laban Senatorial Slate na kinabibilangan ni Pastor Apollo Quiboloy, Ronald “Bato” Dela Rosa, Christopher “Bong” Go, Philip Salvador, Raul Lambino, Vic Rodriguez, Jayvee Hinlo, Jimmy Bondoc at Rodante Marcoleta.
Susuportahan ng mga ito ang isinusulong nilang mga programa laban sa kurapsyon, illegal na droga at mga programa kontra kahirapan.
Pagtitiyak naman ng mga brgy. chairman, hindi sila papatinag sa negative campaigning o paninira ni Bong Bong Marcos Jr. sa kanilang mga sinusuportahang kandidato.