OVP, naghahanda na ng relief boxes para sa Bicol

OVP, naghahanda na ng relief boxes para sa Bicol

BILANG tugon sa isang liham mula sa municipal mayor ng Jovellar, Albay, agad na inihanda ng Office of the Vice President (OVP) ang mahigit 1,000 relief boxes para sa mga residenteng naapektuhan ng Typhoon #EntengPH.

Ang OVP – Bicol Satellite Office ay nakahanda upang tumugon sa pangangailangan ng mga apektadong pamilya upang makabangon sa pananalanta ng bagyo.

Lubos na nagpapasalamat ang OVP sa ating mga stakeholders at local government units sa pagtiyak na lahat ng mga apektado ay mabibigyan ng kinakailangang tulong.

 

This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble