DAHIL sa malakas na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha, agad na nagtungo ang Office of the Vice President (OVP) sa 3A, Tigabong, Cantilan, Surigao del Sur upang mamahagi ng mga kahon ng pagkain sa mga residenteng apektado ng kalamidad.
Pinangunahan ng OVP – Caraga Satellite Office, kasama ang mga opisyal ng barangay at mga boluntaryo, ang pamamahagi ng ayuda na nagsilbing mahalagang tulong para sa mga pamilyang nawalan ng pangunahing pangangailangan dahil sa pagbaha.
Patuloy ang OVP sa paghahatid ng agarang tulong sa mga Pilipinong nangangailangan.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.