BILANG bahagi ng ika-89 na Anibersaryo ng Office of the Vice President (OVP), ginanap ang thanksgiving activity sa iba’t ibang munisipalidad ng Maguindanao del Norte nitong Disyembre 10, 2024.
Sa pangunguna ng OVP – BARMM Satellite Office, mahigit 500 gift packs ang naipamahagi para sa mga partners in peace, magsasaka, at mga single parents na sektor mula sa mga bayan ng Datu Odin Sinsuat, Matanog, at Sultan Kudarat.
Nagpapasalamat ang OVP – BARMM Satellite Office sa mga local government units ng mga munisipalidad na naging katuwang sa matagumpay na aktibidad na ito.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.