NAKATANGGAP ng P10,000 Livelihood Assistance Grant mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa 300 pamilya sa San Juan City.
Pinangunahan ang distribusyon nina Senator Bong Go at Mayor Francis Zamora.
Ang cash assistance na ito ay isa sa mga programa na binuo ng pamahalaan na naglalayong matulungan ang mga pamilyang nabawasan o nawalan ng kabuhayan sa kasagsagan ng pandemya.
Paalala naman ni Zamora sa mga benepisyaryo ng Livelihood Assistance Grant na gamitin lang ito sa pagnenegosyo at hindi sa ibang mga bagay.