NAKAPAGTURN-over ang Bureau of Customs (BOC)–Port of Clark ng iligal na drogang tumitimbang ng 1, 634 grams at nagkakahalaga P11.274-M sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
December 27 nang ito ay naiturn-over subalit November 17 nang dumating ang shipment mula Kempton Park, South Africa kung saan ito nadiskubre.
Ang naturang shipment ay naunang idineklara na naglalaman ng mga sapatos.
Subalit nang maisagawa ang isang X-ray inspection at K-9 sweeping, nakumpirma na naglalaman ito ng iligal na droga.
Binalot ng itim na duct tape ang transparent packs na nilagyan ng iligal na droga at itinago ito sa lining ng 5 handbags.