P13.6-M halaga ng shabu, nakumpiska sa compound ng PPA sa Surigao City

P13.6-M halaga ng shabu, nakumpiska sa compound ng PPA sa Surigao City

PINURI ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang matagumpay na pagkakakumpiska sa P13.6-M halaga ng shabu sa Surigao City, Surigao del Norte.

Mismong sa compound ng Philippine Ports Authority (PPA) nangyari ang operasyon sa pangunguna ng Police Regional Office (PRO) 13, Philippine Drug Enforcement Unit 13, at Philippine Coast Guard.

Nahuli sa operasyon ang tatlong suspek na kinilala sina Jamil Mawi, alyas Diala; Naif Abdul, alyas Janalan; at Aminodin Ampaso, alyas Din.

Tumitimbang ng halos 2 kilo ang ilegal na droga na nakuha sa mga itinuturing na big-time drug personalities.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Tiniyak ni Acorda na patuloy ang paglaban nila sa ilegal na droga upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng ating komunidad.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter