INIHAYAG ng AirAsia Philippines na mananatili ng hanggang February 19 ang pisong pamasahe na iniaalok ng airline.
Sa pinakamurang halaga na piso lamang ay maari nang mag-book ang mga bisita ng mga flight sa pamamagitan ng paggamit ng AirAsia Super App patungo sa kanilang mga paboritong destinasyon ngayong summer season mula Pebrero 13-19.
Gaya ng patungong Cagayan de Oro, Boracay, Davao, Kalibo, at Puerto Princesa.
Habang sa International destination gaya ng Taipei, Macao, Hong Kong, Seoul, Singapore, Bangkok, Osaka, at Tokyo mula sa kasingbaba ng PHP911.
Available ang mga domestic at international na paglalakbay mula Pebrero 13 hanggang Nobyembre 30, 2023.
Ginawa ito ng AirAsia Philippines upang tiyakin na matutupad ang mga plano sa paglalakbay ng kanilang mga bisita para sa inaabangang season sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga bisita nito ng pinakamurang pamasahe, 2 linggo bago opisyal na salubungin ng mga Pilipino ang tag-araw.
Sa ngayon, ang AirAsia Philippines ay nagpapatakbo ng araw-araw na mga flight mula Manila patungong Bacolod, Cebu, Cagayan, Davao, Iloilo, Kalibo, Caticlan (Boracay), Puerto Princesa, Tacloban, Tagbilaran, at Zamboanga.
Ang iba pang mga inter-island na destinasyon na lumilipad palabas ng Cebu hub ng AirAsia ay kinabibilangan ng Cagayan, Davao, Caticlan, Puerto Princesa, at Clark.
Bukod sa pagpapalakas ng presensya nito sa domestic market, ang AirAsia ay nakatuon din sa pagpapalakas ng turismo sa buong ASEAN.
Sa Marso 2, ang AirAsia Philippines ay magsisimulang lumipad patungong Taipei palabas ng Cebu Mactan International Airport.
Ang AirAsia ay patuloy sa kanilang pangako sa pagpapabuti ng On-Time Performance (OTP), kung saan nakapagrehistro ito ng average na 80% noong Enero at 85% para sa unang 2 linggo ng Pebrero 2023.