LRT-2, malaki ang pagkalugi

LRT-2, malaki ang pagkalugi

INILAHAD ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando Cabrera na malaki ang kanilang pagkalugi araw-araw.

Patunay aniya dito ang bumababang bilang ng mga pasahero na sumasakay sa linya ng tren.

Naglalaro na lang kasi sa 150,000 passengers ang naitatala nila tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

At tuwing Martes at Huwebes naman ay mas bumababa pa ang mga pasahero na sumasakay araw-araw.

Sinabi ni Cabrera, malayo ito sa 180,000 hanggang 200,000 na daily average na sumasakay na pasahero bago paman ang pandemya.

Dagdag pa ng opisyal na kahit pagsamahin pa ang kita mula sa pamasahe at non-rail revenue ay malaki pa rin ang pagkalugi ng LRT-2.

Kabilang sa nakikitang dahilan ni Cabrera ang pagpapatupad ng online classes kaya’t bumaba ang bilang ng mga sumasakay na mga estudyanteng pasahero.

Giit pa ni Cabrera na hindi na talaga maiwasan ang paghirit nila ng pagtaas sa pamasahe na diringgin sa isang public consultation sa darating na February 17 ngayon taon.

Layunin ng taas-pasahe ay makabawi mula sa pagkalugi at mas makapagbigay pa ng magandang serbisyo sa mga pasahero.

Matatandaan na January 2015 pa nang huling magtaas ng pamasahe ang LRT-2 na may minimum na P11.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI NEWS in Instagram