P29/kg ng bigas, available sa 5 Kadiwa stores sa Metro Manila

P29/kg ng bigas, available sa 5 Kadiwa stores sa Metro Manila

AVAILABLE na ang P29 per kilong bigas sa limang Kadiwa stores sa Metro Manila.

Mabibili ito sa ADC Building ng Department of Agriculture (DA)– Central Office sa Quezon City; Kadiwa store sa loob ng Bureau of Plant and Industry sa Malate, Manila;

Llano Road sa Brgy. 167, Caloocan City; Kadiwa Store sa AMVA Housing, La Mesa Street sa Brgy. Ugong, Valenzuela City; at Kadiwa Center sa PhilFIDA Compound, Talon Dos, Las Piñas City.

Sa anunsiyo ng Presidential Communication Office (PCO), hanggang limang kilo ng bigas lamang ang mabibili ng isang pamilya.

Tiniyak naman ng DA na ang pagbebenta ng P29 per kilo ng bigas ay magpapatuloy sa pamamagitan ng contract farming agreement ng pamahalaan sa mga assosasyon ng mga magsasaka.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble