P35M public market sa Aritao, Nueva Vizcaya malapit nang matapos

P35M public market sa Aritao, Nueva Vizcaya malapit nang matapos

MALAPIT nang makumpleto ang konstruksyon ng P35M public market sa bayan ng Aritao sa lalawigan ng Nueva Vizcaya kung saan malaking tulong ito sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Aritao Mayor Remelina Peros-Galam, mayroon itong dalawang palapag na sinimulan ang konstruksyon noong Pebrero 2020.

Layunin nitong matugunan ang pangangailangan ng mga business establishments at market vendors.

Ani Galam, ang centralized market sa agricultural, industrial at economic industries ay maaari nang magbenta ng kanilang mga aning produkto sa public market para mas mabigyang serbisyo ang mga residente ng lugar.

Ayon pa kay Galam, isa aniyang dream come true ang nasabing proyekto para sa paglago ng bayan ng Aritao.

Samantala, nagpapasalamat din ang alkalde kay Representative Luisa Cuaresma sa suporta at tulong nito sa naturang proyekto.

(BASAHIN: 159 land titles ipinagkaloob ng DAR sa 150 Agrarian Reform beneficiaries sa Nueva Ecija)

SMNI NEWS