HINIMOK ng dalawang Senador ang Commissions on Elections (COMELEC) na dagdagan ang voting precincts para sa 2022 elections.
Ayon kay Senator Cynthia Villar, hindi ito kampante na matapos ang botohan ng isang araw dahil na rin sa safety protocol na dapat sundin.
Dagdag nito, magkakagulo sa mga presinto maliban na lamang kung damihan ang voting precincts.
Samantala, sumang-ayon din naman si Senator Imee Marcos na siyang chairperson ng Senate Electoral Reforms Committee sa pahayag ni Villar.
Ani Marcos, ayaw ng marami at maging ang COMELEC na magtagal ang eleksyon ng buong gabi o dalawa hanggang tatlong araw dahil mas nakakatakot aniya kung magkakaroon ng delay.
Comelec inaprubahan na ang kahilingan ng DepEd na taasan ang sahod ng guro na magsisilbi sa susunod na halalan
Inihayag ng Department of Education (DepEd) na aprubado na nang COMELEC ang kanilang kahilingan na taasan ang honoraria ng mga teaching and non-teaching personnel na magsisilbi sa susunod na halalan.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, suportado ng COMELEC ang kahilingan ng departamento na dagdagan ng 3,000 pesos ang sahod ng poll workers’
Isasali rin dito ang sa proposed budget ng transportation allowance, food and water allowance at clean-up at repair expenses ng mga guro.
Pag-aaralan naman ng COMELEC at DepEd kung isasama sa pondo ang ibang benepisyo gaya ng on-site swab testing, shifting at tax exemption.