IBINEBENTA sa 4 na Kadiwa outlets simula ngayong araw, Agosto 1 ang well-milled rice sa presyong P45/kilo.
Ang Kadiwa stores na ito ay ang Food Terminal Inc. Kadiwa sa Taguig; Caloocan City; Potrero, Malabon; at Bureau of Plant Industry Main Office sa Maynila.
Sa bawat buyer ay makakabili lang ito ng hanggang 25 kilos bawat araw para maiwasan ang pang-aabuso.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), ang P45/kilo ng well-milled rice ay mas mura na kumpara sa P51/kilo ng imported well-milled at P55/kilo ng local well-milled.