Mga baybayin na positibo sa Red Tide, nasa 9 na—BFAR

Mga baybayin na positibo sa Red Tide, nasa 9 na—BFAR

SIYAM na baybayin ang positibo na naman ng paralytic shellfish poison o mas kilala bilang Red Tide.

Sa latest bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang mga ito ay ang Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at San Benito sa Surigao del Norte.

Maging ang Daram Island, Zumarraga Island at Cambatutay Bay sa Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; at Cancabato Bay sa Leyte.

Sa paalala ng BFAR, hindi ligtas para ikunsumo ang lahat na uri ng shellfish lalong-lalo na ang alamang dahil sa Red Tide.

Tanging mga isda, pusit, hipon, at alimasag ang maaaring kainin mula sa nabanggit na coastal areas.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble