P68-M halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA

P68-M halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA

ISANG joint operation na pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency National Capital Region (PDEA-NCR) kasama ang PDEA Regional Office IVA, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at Philippine National Police (PNP) sa lugar ng Sto. Bata, Binan City, Laguna.

Sa operasyon, nasamsam ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 10 kilo na hinihinalang shabu na tinatayang nasa P68-M ang halaga.

Bukod dito, nakumpiska sa mga suspek ang isang digital weighing scale, identification card, cellphone, calculator, at iba’t ibang notebook na may mga transaksyon sa droga.

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Article II ng RA 9165 laban sa kanila.

Sa ngayon, naniniwala ang mga awtoridad na may higit pa sa kasong ito, at nagsasagawa pa rin sila ng follow-up operations kaya hindi muna inilutang ang mga pangalan ng naarestong suspek.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble