NAIPAGKALOOB na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit P80K halaga ng emergency shelter assistance sa mga pamilyang apektado ng pagguho ng lupa sa Benito Soliven sa lalawigan ng Isabela.
Naipamahagi na sa 9 na pamilya sa Yeban Norte, Benito Soliven, Isabela ang tulong mula sa DSWD matapos na mawalan ang mga ito ng tahanan dahil sa malakas na pagguho ng lupa noong Hunyo 9.
Aabot sa P82,517 ang naipagkaloob na emergency shelter assistance sa 9 na pamilyang naapektuhan ng pagguho na ngayon ay nasa evacuation center.
Ayon kay Information Officer 2 Vanessa Diana Nolasco ng Disaster Response Management Division ng DSWD Region 2, naganap ang landslide noong Hunyo 9 at 10 nang ipinamahagi ng DSWD ang paunang tulong katuwang ang mga partner agencies sa mga naapektuhang residente.
Sa pahayag ng Mines and Geo-Sciences Bureau (MGB), 3 ang posibleng dahilan ng pagguho ng lupa, una na rito ang bato na nakita nila sa barangay na prone sa pagguho ng lupa dahil sa malambot at madaling masira, pangalawa ang maraming bukal at mababaw na ground water level at ikatlo ang pagdami ng mga bahay sa lugar simula noong 2017.
Dagdag pa ni Science Research Specialist 2 Jessa Amugauan, batay sa mga residente ng lugar taong 2011 ng makitaan ng cracked sa lugar at 2016 na magkaroon ng pagguho ngunit walang bahay na naapektuhan.
Ang mga apektadong residente ay nakatanggap din ng mga food packs, sleeping kits, hygiene kits, kitchen kits at modular tents.
Samantala, nagkaroon ng pulong ngayong araw ang ahensya para pag-usapan ang karagdagang tulong para sa mga residenteng nasira ang mga tahanan.
(BASAHIN: Isang police sa Isabela, binigyang pugay)