Foreign financing, makatutulong para mapalakas ang agri sector ng bansa—DA

Foreign financing, makatutulong para mapalakas ang agri sector ng bansa—DA

LAYUNIN ng Department of Agriculture (DA) na makakuha pa ng multi-billion-dollar na halaga ng foreign financing para mapalakas ang agri sector ng Pilipinas.

Ang isasaprayoridad ng DA kung makakakuha ng foreign financing ang madagdagan ang agri infrastructure sa bansa.

Sa ngayon ayon kay DA Asec. Arnel de Mesa, mayroon silang 12-14 na panibagong financing projects katuwang ang World Bank, Asian Development Bank, at ang French Government.

Magkakaroon din sila ng proyekto na makatutulong sa mga maapektuhan ng mga kalamidad upang makabangon muli.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter