MISTULANG hindi para sa mahihirap ang pabahay na ginagawa ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) sa ilalim ng Pabahay Para sa Pilipino Housing Program (4PH).
Sinabi ni Sen. Cynthia Villar, dahil sa pagiging condominium-style ng housing project, mas naniniwala siyang makakabenepisyo ang middle-class dito.
Paliwanag ni Sen. Villar, ang mga nabigyan aniya ng condominium-style housing project ay kailangan magbayad ng P4K kada buwan.
Mas mahal pa aniya ito sa P500 kada buwan na amortization sa ilalim ng Community Mortgage Program (CMP).
Dahil dito, mas mainam kung CMP na lang ang ipairal kung saan binibigyan ng lupa ang mga benepisyaryo para itayo ang kanilang sariling bahay.