Pacquiao, hinahamon si Bongbong Marcos ng one-on-one na debate

Pacquiao, hinahamon si Bongbong Marcos ng one-on-one na debate

HINAHAMON ni Senator Manny Pacquiao si dating Senator Ferdinand Marcos Jr. sa isang one-on-one na debate.

Kasunod ito ng pagliban ni Bongbong Marcos sa unang debate na inorganisa ng Commission on Elections (COMELEC) noong Sabado.

Ayon kay Pacquiao, baka may mabuti nga siyang plataporma na higit pa doon sa pagbibigay ng trabaho, pagbibigay ng tahanan na libre sa mga pamilya, pagbibigay ng hanapbuhay at pagpapalakas ng ekonomiya.

Dagdag pa ni Pacquiao gusto niyang tingnan kung ano ang plataporma ni Marcos at ipakita rin ang kanyang plataporma.

Samantala, si Marcos lang ang tanging kandidato sa pagka pangulo ang hindi dumalo sa debateng inorganisa ng COMELEC.

Kaugnay nito, sumali naman si Marcos sa debateng inorganisa ng SMNI, na hindi naman dinaluhan ng ilang kandidato sa pagka pangulo.

 

Follow SMNI News on Twitter