Pag-amyenda sa Trade Unions Act 1959, layunin na paramihin ang bilang ng unyon –Human Resources Ministry

Pag-amyenda sa Trade Unions Act 1959, layunin na paramihin ang bilang ng unyon –Human Resources Ministry

INIHAYAG ng Human Resources Ministry na ang pag-amyenda sa Trade Unions Act 1959 ay upang paramihin ang bilang ng unyon sa Malaysia.

Inihayag ni Human Resources Minister Datuk Seri M. Saravanan na ang pag-amyenda sa Trade Unions Act 1959 ay hindi layon na sugpuin ang trade union, sa halip ay paramihin ang bilang ng mga unyon sa bansa.

Ayon kay Datuk Saravanan ang Trade Unions (amendment) Bill 2022 ay matagumpay na naipasa bago ito mapawalang bisa noong nakaraang buwan.

Kasabay nito, sinabi ni Datuk Saravanan na magbubukas ito ng mas maraming pagkakataon para sa mga manggagawa na sumali sa anumang unyon na kanilang pinili para sa kanilang benipisyo.

Dagdag nito, ang pagkakaiba-iba ng mga unyon ng manggagawa ay inaasahang magkakaroon ng positibong epekto bukod pa sa pagbibigay sa mga manggagawa ng kalayaang pumili.

Noong Oktubre 5, ipinasa ng Dewan Rakyat ang bill na naglalayong payagan ang higit sa isa na unyon na mabuo sa isang single workplace at paramihin ang miyembro ng mga unyon ng mga manggagawa.

 

Follow SMNI News on Twitter