Pag-angkin ng China sa Palawan walang batayan—NSA

Pag-angkin ng China sa Palawan walang batayan—NSA

PINABULAANAN ni National Security Adviser (NSA) Eduardo Año ang pahayag na dating bahagi ng China ang Palawan.

Ayon kay Año, ito ay pekeng impormasyon na nilalayong baluktutin ang kasaysayan at hamunin ang soberaniya ng Pilipinas.

Batay sa kasaysayan at international treaties tulad ng 1898 Treaty of Paris at 1900 Treaty of Washington, ang Palawan ay malinaw na sakop ng Pilipinas.

Itinanggi rin niya ang sinasabing ‘Zheng He Island’ ang dating pangalan ng Palawan.

Bagamat bumisita si Chinese explorer Admiral Zheng He sa Southeast Asia noong ika-14 at ika-15 siglo, walang rekord na nakarating siya sa Palawan.

Ngunit kahit man nakarating ito sa nabanggit na lugar, hindi ito nangangahulugang pagmamay-ari ng China ang Palawan.

Sinusuri na ngayon ang pinagmulan ng pekeng mga impormasyon na unang lumabas sa Chinese social media apps na Weibo at Red Note.

Nilinaw naman ni Año na hindi ito mula sa official government sites at mainstream media outlets ng China.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble