MAS pinaigting ng Mandaluyong City Government ang kanilang pagbabakuna kontra bulutong sa lungsod.
Nagsagawa ng Varicella Vaccination Program ang Mandaluyong City Medical Center Department of Pediatrics, katuwang ang City Health Department-City Nutrition Committee at Ciara Marie Foundation na nagbigay ng mga bakuna.
Ang pagbabakuna kontra bulutong ay sinimulan sa Brgy. Daang Bakal, na adoptive barangay ng MCMC Department of Pediatrics.
Ito ay para sa mga bata na 1-6 taong gulang at inaasahan na maisagawa pa sa ibang mga barangay sa lungsod.