KINUMPIRMA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bagamat bahagya nang binuksan ang operasyon sa Mactan Cebu International Airport ay limitado pa rin ang paglipad ng eroplano.
Ito ay matapos naglabas ng Notice to Airmen (NOTAM) ang CAAP na pinapayagan na muli ang operasyon sa runway ng MCIA pero ito ay sa araw lamang na tatagal ng hanggang alas-6 ng hapon ngayong araw.
Ibig sabihin hindi pa lubos ang operasyon sa runway dahil ang nag-overshoot na eroplano ng Korean Air sa runway 4/22 ay hindi pa nakukuha.
Kaugnay nito inihayag ng PAL na kahit nag-resume na ang ilang flight ng PAL ay may 16 flight pa rin itong kanselado na balikang biyahe ng Cebu ngayong araw.