Pagban sa mga POGO, welcome development para sa anti-criminality sa bansa—PAOCC

Pagban sa mga POGO, welcome development para sa anti-criminality sa bansa—PAOCC

WELCOME development para sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang ginawang desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos para sa total ban sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na ngayo’y International Gaming Licensee.

Sa pahayag ni PAOCC Executive Director, USec. Gilbert Cruz, sinabi niya na kaisa sila ng Pamahalaan at ng iba’t ibang sektor sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Giit ni Cruz, malinaw naman ang mga hindi magagandang epektong idinulot ng POGO na taliwas sa layunin nitong tulungan ang ekonomiya ng bansa.

“The evident social ills caused by POGO outweighs whatever benefit it contributes to the Philippine economy. Thus, we are one with all the various sectors of society and government, as well, in committing ourselves to upholding peace and order of the country,’’ ayon kay Usec. Gilbert Cruz Executive Director, PAOCC.

Giit pa ni Cruz, matagal na aniyang hinahangad ng kanilang ahensiya maging ang iba pang mga tagapagpatupad ng batas gaya ng Philippine National Police (PNP) na matuldukan na ang operasyon ng POGO sa bansa

“As the PAOCC and the Inter-Agency Council Against Trafficking in Person (IACAT) with all the agencies and law enforcement units that work tirelessly against POGO continue to hope for the government leadership to totally ban the POGO; we are grateful and relieved with the pronouncement of the President,’’ saad nito.

Nito lamang mga nakaraang buwan nang sunud sunod ang naging operasyon ng mga awtoridad sa mga iligal na pagpapatakbo ng mga POGO sa bansa.

Nauna nang napag-alaman na hindi lang online gaming ang operasyon ng mga ito kundi kaakibat ang iba’t ibang krimen gaya ng kidnapping, roberry, abduction, at malawakang scamming.

Sa Pasay na katabi lang mismo ng tanggapan ng senado, isang POGO Hospital ang matagal nang iligal na nag operate kung saan dito dinadala ang sinasabing mga empleyadong chinese na tinorture kapalit ng malaking halaga ng pera.

Kasalukuyan namang suspendido ang alkalde ng Bamban, Tarlac na si Mayor Alice Guo matapos maugnay sa POGO.

Base sa imbestigasyon, malaki ang papel niya sa operasyon ng POGO Hub sa Tarlac at Pampanga.

Agad namang ipinasara ang mga ito.

Nauna na ring pinangangambahan ng mga awtoridad na posible ring nagagamit ng mga politiko ang pera ng POGO para ikampanya ang isang tao sa eleksiyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble