Pagbisita ni Russian Pres. Vladimir Putin sa North Korea, isinasapinal na

Pagbisita ni Russian Pres. Vladimir Putin sa North Korea, isinasapinal na

PLANO ni Russian President Vladimir Putin na bisitahin si North Korean leader Kim Jong Un sa Pyongyang.

Pinasalamatan ni Putin si Kim sa imbitasyon at sinabi na pupunta ito sa North Korea sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Kremlin spokesperson Dmitry Peskov na ang pagbisita ng pangulo sa Russia ay isinasapinal pa sa pamamagitan ng diplomatic channels.

Noong Martes ng nakaraang linggo, nakipagkita si North Korean foreign minister Choe Son Hui kay Vladimir Putin at sa Russian counterpart nito na si Sergey Lavrov.

Sa naging pagpupulong, nangako ang dalawang panig ng mas malalim na kooperasyon para depensahan ang interes ng dalawang bansa.

Matatandaan na bumisita naman si North Korean leader Kim Jong Un sa Russia noong buwan ng Setyembre at binisita ang mga pagawaan ng fighter jets at rocket launch facility ng bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter