NAKAPAGTALA ng mataas na voter turnout ang Commission on Elections (COMELEC) sa ginanap na botohan para sa paglikha ng 2 barangay sa Marawi City sa pamamagitan ng plebisito.
Mano-mano ang naging botohan at ang mga botante ay bomoto ng Yes or No para sa ratipikasyon ng batas para sa paglikha ng Brgy. Boganga II at Brgy. Datu Dalidigan sa Marawi City.
Sa nangyaring plebisito ng nagdaang Sabado, 948 ang bomoto pabor para sa paglikha ng Brgy. Boganga 2 habang dalawa lang ang tumutol para sa pagbuo nito.
Samantala pagdating naman sa botohan sa paglikha ng Brgy. Datu Dalidigan, 473 mula sa 476 ang bumoto ng yes.
Sa ginawang plebisito, mataas ang naging voter turnout sa 2 brgy.
98.5 percent ang voter turnout sa Brgy. Sagonsongan habang 95.7 percent naman sa Brgy. Boganga.
Matatandaan na ginawa ang plebsito dahil sa batas para sa paggawa ng barangay dahil sa pagdami ng mga displaced persons sa Marawi.
Sila ang magiging residente ng mga bagong barangay sa Marawi City.
“The overwhelmingly high voter turnout represents a decisive victory for the Marawi Siege, most of whom where internally displaced persons who will be residents of Barangay Boganga II and Datu Dalidigan from this day forward,” ayon sa COMELEC.