Paghahatid ng serbisyo sa publiko, pabibilisin ng pulisya –PNP chief

Paghahatid ng serbisyo sa publiko, pabibilisin ng pulisya –PNP chief

PABIBILISIN ng Philippine National Police (PNP) ang paghahatid nila ng serbisyo sa publiko.

Ito ang tiniyak ni PNP chief police General Rodolfo Azurin Jr. sa kanilang New Year’s Call sa Camp Crame, Quezon City.

Ayon kay Azurin, kabilang sa mga serbisyong tututukan nila ay ang mabilis na paglalabas ng lisensya ng baril, police clearance at benepisyo ng mga pulis.

Ikinatuwa rin ng Chief PNP ang tagumpay ng pulisya na magampanan ang kanilang mandato at naisulong ang kampanya kontra krimen, iligal na droga at korapsyon sa kabila ng mga kinaharap nilang hamon.

Pinasalamatan naman nito ang mga opisyal at tauhan ng PNP sa kanilang sakripisyo at hinimok na gawin ang lahat ng kanilang makakaya ngayong taon. Paghahatid 

Follow SMNI NEWS in Twitter