Pagkakasabat sa P55-M shabu sa NAIA, pinuri ng PNP Chief

Pagkakasabat sa P55-M shabu sa NAIA, pinuri ng PNP Chief

PINURI ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Benjamin Acorda, Jr. ang matagumpay na operasyon laban sa ilegal na droga ng mga awtoridad sa isang Liberian national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ang suspek na si Philip Campbell, 34 taong gulang at mechanical engineer na dumating sa bansa sakay ng Qatar Airways Flight QR 934 mula Doha, Qatar.

Nakuha sa suspek ang 8,138 gramo ng shabu na may tinatayang halaga na P55.3-M.

Hinihinalang sangkot ang suspek sa drug trafficking.

Isasailalim ang suspek sa dokumentasyon at wastong disposisyon habang inihahanda ang kahaharapin nitong reklamo.

Hinimok naman ni Acorda ang publiko na patuloy na manatiling mapagmatyag at iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa ilegal na droga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter