Pagkasawi ng 2 divers na Russian nationals sa karagatan ng Batangas City posibleng shark attack

Pagkasawi ng 2 divers na Russian nationals sa karagatan ng Batangas City posibleng shark attack

NAREKOBER ng Philippine Coast Guard-Batangas ang katawan ng dalawang Russian nationals na nasawi habang nasa diving session sa karagatang malapit sa Verde Island, Batangas City.

Nangyari ang insidente noong Huwebes, Pebrero 27, 2025.

Ayon sa ulat, nadala pa sa St. Patrick Hospital sa Batangas City ang isa sa mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Samantala, wala na ang kanang bahagi ng kamay ng isa pang biktima.

Pinaghihinalaang inatake ng pating ang mga ito habang nagsasagawa ng diving session. Sa kabilang banda, wala pang inilalabas na detalye ang PCG kaugnay ng mga kaso ng shark attack sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble