Paglabas ng desisyon ni Comm. Guanzon sa DQ case ni BBM, labag sa batas –Atty. Gadon

LABAG sa panuntunan ng isang komisyon ang ginawang pagsasapubliko ni COMELEC Commisioner Rowena Guanzon sa kanyang desisyon hinggil sa disqualification case ni presidential aspirant at dating Senator Ferdinand ” Bongbong” Marcos Jr (BBM).

Ayon kay Atty. Larry Gadon, bawal sa isang hukuman na maglabas ng hindi pa pinal o hindi official na desisyon.

“Di lang pwede nating sabihin na lumabag –kundi talagang nilabag nya. Kase nga, ang desisyon na yan ay collegiate decision. Ano yan, opinion nya yung nilabas nya. Desenteng opinyon nya ang nilabas nya. Eh, hindi naman yan magkakaroon ng bearing dahil unang-una nga, ang desenteng opinyon nya, opinyon nya lang yun pero hindi yan yung opisyal decision,” pahayag ni Atty. Gadon

Sinabi din ni Gadon na maaaring tanggalin si Comm. Guanzon sa division o suspendehin ng COMELEC para hindi na makapag-impluwensiya sa kasamahan niyang commissioner.

Posible din aniyang uulitin ang pagdinig sa kaso ni Bongbong Marcos dahil sa ginawa ni Guanzon.

Ipinunto pa ni Gadon, maaaring hindi kilalanin ang boto ni Guanzon sa disqualification case ni Bongbong Marcos.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter