Paglulunsad ng ‘Lab for All’ sa Balanga Bataan, sinaksihan ng DOH

Paglulunsad ng ‘Lab for All’ sa Balanga Bataan, sinaksihan ng DOH

SINAKSIHAN ng Department of Health (DOH) ang paglulunsad ng ‘Lab for All’ sa Balanga Bataan.

Ang caravan na ito ay inisyatibo ng administrasyong Marcos upang magpaabot ng libreng serbisyong pangkalusugan kagaya ng pamamahagi ng mga gamot at konsultasyon para sa pediatrics, obstetrics, gynecology, ECG, dental extraction, minor surgeries, eye check-up, at iba pa.

Ang paglulunsad ng “LaB for All” ay pinangunahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos, kasama ang iba pang national government agencies.

Bukod sa mga lokal na opisyal ng Bataan, dumalo rin sa pagpapatupad ng ‘Lab for All’ ang iba pang ahensiya ng gobyerno gaya ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nandoon din ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Commission on Higher Education (CHED), Food and Drug Administration (FDA) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, ang ‘Lab for All’ ay isang programang ipinapatupad ng gobyerno upang mapalawak ang primary care services sa bansa.

Sa programa ay ramdam aniya ng bawat Pilipino saan mang sulok ng bansa ang kalusugan dahil sa “Healthy Pilipinas, Bawat Buhay ay Mahalaga!”

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble