Pagpapa-deport kay Alice Guo, ‘di pa tiyak dahil sa mga nakabinbing kaso—BI

Pagpapa-deport kay Alice Guo, ‘di pa tiyak dahil sa mga nakabinbing kaso—BI

KINONTRA ng Bureau of Immigration (BI) ang naging pahayag ng kampo ni Guo Hua Ping alyas Guo Huaping o Alice Leal Guo na Pilipino ito nang sumalang sa hearing ng BI araw ng Biyernes.

Ayon kay Atty. Gilbert Repizo, head ng Board of Special Inquiry ng BI, maraming naipakitang ebidensiya ang Special Prosecutor na nagpapatunay na hindi Pilipino si Guo Hua Ping at dinaya lamang nito ang kaniyang mga dokumento.

Ipinakita rin ng Special Prosecutor ang birth certificate ni Guo na pineke para palabasing isa itong Pinoy. Kabilang sa mga ipinunto ni Atty. Repizo ang fingerprint na hawak ng NBI na nagpapakita na si Guo Hua Ping at Alice Gou ay isang tao lamang.

Binigyan din ng 15 araw ng BI ang kampo ni Guo na kumuha ng eksperto para patunayan na mali ang records ng NBI sa kaniyang mga fingerprint.

Ayon pa kay Atty. Repizo, wala pang katiyakan kung kailan maipade-deport si Alice Guo dahil mayroon pa itong mga nakabinbin kaso sa iba pang korte sa bansa.

Sa ngayon, wala pang naging pasya sa ginanap na hearing nitong Biyernes.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble