Pagpapaabot ng tulong sa mga sinalanta ng Bagyong Neneng, nagpapatuloy

Pagpapaabot ng tulong sa mga sinalanta ng Bagyong Neneng, nagpapatuloy

PATULOY ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagpapaabot ng tulong partikular na ng mga food pack sa mga apektado ng pananalasa ng Bagyong Neneng.

Ito ang ibinahagi ng Office of the Press Secretary.

Bukod dito, isinapubliko rin ng DSWD ang kanilang Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) report.

Sa naturang ulat, nakatala ang mga hakbang patungkol sa nagawa ng ahensya sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Neneng.

Una nang tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mahigpit na binabantayan at pinaghahandaan ng pamahalaan ang posibleng epekto ng naturang bagyo sa Hilagang Luzon.

Follow SMNI NEWS in Twitter