Pagpapatupad ng $12 na bayad ng mga turista, kinansela muna ng Thailand

Pagpapatupad ng $12 na bayad ng mga turista, kinansela muna ng Thailand

KANSELADO muna simula sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre ang ipinapatupad na 12 dolyar na bayad ng mga turistang pumupunta sa Thailand.

Isyu ngayon sa Thailand ang hindi maayos na pagkolekta ng 300 baht o $12 na bayad sa mga turistang nagmula pa sa Timog Silangang Asya.

Ayon kay Thailand Tourism and Sports Minister Phiphat Ratchakitprakarn na mismo ang mga paliparan ang nahihirapan din sa pagpapatupad sa nasabing panukalang dagdag-bayad sa mga pasahero dahilan upang idagdag na lang nila ang nasabing bayarin sa kanilang air ticket.

Base sa datos ng Ministry of Tourism and Sports, aabot sa higit 2 milyong turista ang pumasok sa Thailand simula sa buwan ng Disyembre 2022 hanggang buwan ng Pebrero taong 2023.

Mas malaki ito kumpara sa 133,000 turistang pumasok sa bansa sa buwan ng Enero taong 2022.

Samantala, layon ng pamahalaan ng Thailand na gamitin ang nasabing tourist fee para tugunan ang pangangailangang pangkalusugan at posiblneg insidenteng mangyari sa mga turista sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter