MAITUTURING nang case closed ang kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at 8 iba pa.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla sa joint press conference ng Special Task Force Degamo sa Camp Crame, Quezon City.
Ayon kay Remulla, natapos na sila at nakatuon na sa prosekusyon.
Nabatid na 11 suspek ang nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) habang isa ang nasawi sa operasyon.
Lahat ng mga suspek ay itinuro si Marvin “Halaman” Miranda bilang mastermind.
Sumusunod naman si Miranda sa tinatawag na “boss idol”, “big boss” o “kalbo” na kalaunan ay pinangalanan ni Remulla na si Cong. Arnie Teves, Jr.
Maliban dito, sinabi ni Remulla na si Teves ang maituturing na nagpondo para patayin si Degamo.
Kung sa pelikula aniya si Miranda ang director at si Teves ang Executive Producer.