BAGONG pasyalan ngayon sa Sultan Kudarat ang Qetsiyah Eco Park, na tiyak kagigiliwan ng mga adventurer.
Pagpasok pa lang, makikita ang malawak na koleksiyon ng cactus and succulents. Iba’t ibang kulay at variety.
Isa lamang ito sa mga atraksiyon sa loob ng Qetsiyah Eco Park sa Brgy. Calean, Tacurong City, Sultan Kudarat.
10-15 minutes lamang ang distansiya nito mula sa city proper.
Wala pang isang linggo nang magbukas sila sa publiko.
Ang limang ektaryang property na ito, puno ng mga bulaklak.
Lalo na ng hybrid na mga bougainvillea.
Kuwento ng may-ari na sina Job at Jho An, mahilig talaga sila sa mga tanim. Kaya dito nabuo ang konsepto ng kanilang instagrammable na Eco Park.
Mayroon din silang wishing well para doon sa mga may hiling. Lalo na’t malaking bahagi ng Eco-Park ay nakabatay sa biblical reference.
Perfect para sa weekend getaway ang Qetsiyah lalo na para sa mga mahihilig sa adventure.
Bukod kasi sa preskong hangin at napakagandang view, mayroon din silang sky bike.
Bukod diyan, mayroon din silang zip line.
Ang dalawang adventure rides, perfect din sa gabi.
P100 lamang ang entrance fee sa umaga habang P150 naman sa gabi.
May restaurant sa loob kung gugutumin habang namamasyal.
Mayroon din silang function hall para sa mga malalaking event.
Bukas sila mula alas-8 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi, Lunes hanggang Linggo.
‘‘Subukan niyo pong pasyalan ang Qetsiyah Eco Park ng Sultan Kudarat, we are assuring you na you will enjoy and love the place po,’’ ayon kay Jho An Santos Owner, Qetsiyah Eco Park.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang kanilang official social media accounts.