Pagsasampa ng kasong libel kay Cong. Barbers sinang-ayunan ng dating kadre ng CPP-NPA-NDF

Pagsasampa ng kasong libel kay Cong. Barbers sinang-ayunan ng dating kadre ng CPP-NPA-NDF

ISA sa mga pangunahing dahilan ng reklamo ng ilang vloggers laban kay Cong. Ace Barbers ay ang kaniyang direktang pagpaparatang na sila ay “narco-vloggers” at may koneksyon sa POGO. Dahil dito, nagsampa ng patung-patong na kasong libel ang ilan sa kanila bilang tugon sa umano’y mapanirang pahayag ng kongresista.

Sinang-ayunan naman ni Epanaw Sambayan nominee Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz ang hakbang na ginawa ng mga kasamahan niyang political commentators.

Ayon kay Ka Eric, walang mali sa pagsasagawa ng political commentary o sa malayang pagpapahayag ng saloobin, sapagkat ito ay tungkulin ng bawat responsableng mamamayan.

Ngunit aniya, tila nagiging kasangkapan ang Kongreso, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Martin Romualdez, para busalan ang mga kritiko ng kasalukuyang administrasyon sa pamamagitan ng harassment at pananakot.

“Nararapat lamang na gawin ‘yan ng ating mga social media personalities, political commentators at mga vloggers kagaya ko na gumagawa lamang ng aming demokratikong karapatan sa malayang pagpapahayag at makatarungang pagpupuna sa mga nagaganap sa ating lipunan, partikular sa kaganapan sa mga patakaran ng gobyerno ni Marcos at ng kasalukuyang administrasyon,” pahayag ni Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, Nominee, Epanaw Sambayan.

Sa kabila nito, sa kaniyang dalawang privilege speech nitong Huwebes, iginiit ni Cong. Barbers na hindi siya nababahala sa isinampang mga kaso laban sa kaniya.

Gayunpaman, inamin niyang naiintriga siya kung bakit pumalag ang mga nagsampa ng kaso sa paggamit niya ng terminong “narco-vloggers,” gayong wala naman siyang binanggit o tinukoy na mga pangalan mula sa hanay ng mga social media political commentators.

Subalit, hindi maikakaila na ang kaniyang ginamit na termino ay may negatibong implikasyon na maaaring makasira sa reputasyon ng mga online commentators na kritikal sa gobyerno.

“Itong pagtawag ni Cong. Barbers na mga POGO-funded vloggers at mga NARCO-vloggers is insinuating, very malicious and intimidating kind of public declaration, na kung saan pinapalabas niya na without an iota of evidence or any proof of substantial material basis para patotohanan na pinopondohan ng mga POGO operators o ng mga NARCO-politicians, o NARCO-syndicates ang mga political commentators nung nakaraang nag-privilege speech siya at nagsagawa ng sulat sa NBI upang gawin ang mga pag-imbestiga na ito to the point na hina-harass na niya kami, at ang iba pang mga political social media commentators,” ani Celiz.
Ang tunay na diwa at pagiging sagrado ng demokrasya ay nakasalalay sa pagiging bukas nito sa iba’t ibang pananaw, lalo na sa mga salungat na opinyon.

Dapat aniya tanggapin ng administrasyong Marcos ang mga puna at huwag itong supilin, dahil ang pagsupil sa mga kritikal na kritiko ay isang malinaw na tanda ng tyrannical na pamamahala o isang sistema na hindi nalalayo sa diktadura.

“Sapagkat ang diwa at ang pagiging sagrado o the sanctity of democracy is in its openness to listen to both sides of opinions, and encourage and promote dissenting opinions, at hindi para isuppress ito, takutin ang mga nagsasagawa ng pagpapahayag na salungat sa mga status quo o sa kasalukuyang administrasyon. Sapagkat ‘yan ay mga hakbang ng tyrannical o disputikong pamumuno, similar to a dictatorship,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble