Pagsasapribado ng sektor ng transportasyon, maganda basta’t bubuti ang serbisyo –Cong. Salo

Pagsasapribado ng sektor ng transportasyon, maganda basta’t bubuti ang serbisyo –Cong. Salo

MAGANDANG isapribado ang sektor ng transportasyon gaya ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) basta’t bubuti rin ang serbisyo.

Ayon ito kay Kabayan Party-list at House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman Ron Salo sa panayam ng SMNI News.

Dagdag pa ni Salo, hindi rin ito ang magiging unang pagkakataon na katuwang ang pribadong sektor sa transportasyon.

Samantala, umaasa si Salo na hindi kapabayaan ang dahilan ng aberyang nangyari sa NAIA noong January 1, 2023.

Sa ngayon, nababahala si Salo sa mga OFW na kasamang na-stranded sa NAIA dahil maaapektuhan ang kanilang trabaho sa ibang bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter