HALOS mabulol at uutal-utal kung pagtakpan ng Lead Convenor ng People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA) na si Noel Oñate nang kwestyunin ng mga Senador kung may kinalaman ba si House Speaker Martin Romualdez sa maanomalyang PI na naganap mismo sa pamamahay ni Romuladez.
Hindi rin nakaligtas sa mga Senador si dating Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, Jr. sa kaniyang sagot ng pakitaan rin ito ng larawan kasabay ng petsa na magpapatunay na ang kasalukuyang Ako Bicol Partlist at House Committee on Appropriations Chairman Zaldy Co at si House Speaker Romualdez ay magkasama.
Pero sa larawang ipinakita ng mga Senador sa sagot ng mga tagapagsulong ng PI ay tumambling ang kanilang binitawang pahayag dahil sa larawan, petsa at caption palang ay sapat na para sabihing nagsisinungaling ang mga ito.
Sa sagot naman nina Oñate at Gabin ay sinabi ni Atty. Marlon Bosantog sa programa ng Laban Kasama ang Bayan ng SMNI na malinaw at sapat na basihan ito para i-contempt ang mga ito.
“It is impossible for you to say that it slip my mind na nakausap mo mismo si Speaker sa bahay niya na ikaw ang nagpatawag, tapos nang mahuli ka sabi mo it slip my mind, nag sinungaling ka pinagtakpan mo isa pang kasinungalingan,” ani Atty. Marlon Bosantog
“That is assault to the integrity of the Congress or Senate as a whole, and that could be the proper basis for the filing or for the charges of contempt,” dagdag pa nito.
Nilinaw naman ni Bosantog na kung ito’y sinserong People’s Inititative ay dapat na hindi itinatago ng mga ito ang kanilang magandang hangarin at may malinaw na pagpapaunawa sa bawat Pilipino kung ano nilalaman ng isinusulong na pagbabago ng Saligang Batas.