Pagsusuot ng face shield hindi baseless  at useless— Duque

Pagsusuot ng face shield hindi baseless  at useless— Duque

PROTEKSYON laban sa COVID-19 ang pagsusuot ng face shield, ito ang nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III at hindi ito baseless taliwas sa mga pahayag ng ilang doktor.

Ayon kay Duque na malalim at malawakang pag-aaral ang isinagawa hinggil sa pagsusuot ng face shield.

Ani Duque, dalawang doktor sa bansa ang nagsagawa ng pag-aaral patungkol dito at marami na ring nailathala na mga pag-aaral sa Lancet journal.

Dagdag ng health secretary, mahigit 95% ang maibibigay na proteksyon ng pagsusuot ng face shield, face mask at social distancing.

Una na ring sinabi ni Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana na walang katuturan ang argumento na inihayag ng dalawang doktor na tanging ang Pilipinas lang ang nag-rerequire ng face shield.

Joint guidelines sa pag-aresto sa mga hindi nagsusuot at hindi tamang pagsusuot ng face mask, ilalabas na ngayong araw

Ilalabas na ng Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang joint guidelines sa pag-aresto at pagkulong sa mga hindi nagsusuot at hindi tamang pagsusuot ng face mask.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, pumayag na si Interior Secretary Eduardo Año “In principle” na aprubahan ang guidelines na binalangkas ng DOJ.

Ani Guevarra,  pipirmahan na nila ngayong araw ng Biyernes ang guidelines matapos ang ilang pagsasaayos sa draft.

Sa ilalim ng joint guidelines, sinabi ni Guevarra na malalaman ang paraan ng pag-aresto, oras at lugar ng booking, pagkulong at imbestigasyon upang maiwasan ang overcrowding na nagiging dahilan ng hawaan ng COVID-19.

Nito lamang buwan, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pulisya na arestuhin at ikulong ng 9 na oras ang mga walang mask o mga hindi tamang nagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar.

 

SMNI NEWS