Pagtaas ng presyo ng mga bilihin nitong Enero 2025, umabot sa 2.9%—PSA

Pagtaas ng presyo ng mga bilihin nitong Enero 2025, umabot sa 2.9%—PSA

BAHAGYANG bumilis sa 2.9% ang inflation rate o antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo nitong Enero 2025.

Ito ay kung ikukumpara sa 2.8% sa kaparehong buwan noong taong 2024.

Ngunit kung ikukumpara noong Disyembre 2024 ay pareho lang ang inflation rate nila ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang Top 5 contributors ng inflation nitong Enero 2025 ay ang kamatis na nasa 155.7% ang inflation rate mula sa 120.8% noong Disyembre;

Pangalawa ang restaurant, cafe, at iba pa na nasa 3.3% mula sa 3.7% noong nakaraang taon; rentals na nasa 2.0% mula sa 2.4%; at karne ng baboy at manok na nasa 8.4% mula sa 5.1% at 7.7% noong Disyembre.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter