Pagtama ng Super Typhoon Yolanda, inalala sa Eastern Visayas

Pagtama ng Super Typhoon Yolanda, inalala sa Eastern Visayas

INALALA ngayong araw ng mga taga-Eastern Visayas ang pagtama ng Super Typhoon Yolanda sa bansa, buwan ng Nobyembre taong 2013.

Ang Yolanda na isang Category 5 Typhoon ay ang pinakamalakas na bagyong naitala sa kasaysayan ng mundo na kumitil sa buhay ng libu-libong Pilipino lalo na sa Tacloban City.

Sa paggunita ng mga alalang iniwan at masakit na karanasan na idinulot ng bagyo, ay nagtungo sa Tacloban si House Speaker Martin Romualdez.

Kasama nito si House Minority Leader Nonoy Libanan na mula rin sa Eastern Samar at iba pang mga opisyal para pangunahan ang mga aktibidad.

Saad ni Romualdez, nawa’y ang mga aral na natutuhan ng bansa mula Yolanda incident ay maging tanda na dapat magkaisa ang lahat sa panahon ng krisis at bigyang pugay ang mga nagbuwis ng buhay.

“We honor and offer prayers to those who perished during this unfortunate event, as we raise our glasses to the brave souls, our first responders, who put the lives of others above their own during the onslaught of the super typhoon,” saad ni Romualdez.

Follow SMNI NEWS in Twitter