INI-release na ngayong Hunyo 9, 2023 ng Pinoy-pop supergroup SB19 ang kanilang ikalawang extended play (EP) na may pamagat na “Pagtatag!”.
Ang EP na may title track na “Gento” ay naglalaman din ng mga kanta tulad ng “Crimzone”, “Ilaw”, “Liham”, “Freedom”, at “I Want You”.
Inanunsiyo na rin na maliban sa “Gento” ay maglalabas din ng music video ang SB19 para sa kantang “I Want You”.
Kaugnay nito ay magkakaroon ng two-night concert ang SB19 sa Araneta Coliseum ngayong Hunyo 24 – 25.
Pagkatapos nito ay tutungo rin sila sa Canada, Estados Unidos at iba pa.