PEZA target ang pagdaragdag ng ecozones sa Pilipinas sa 2025

PEZA target ang pagdaragdag ng ecozones sa Pilipinas sa 2025

TARGET ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na palawakin ang bilang ng ecozones sa bansa sa darating na taong 2025.

Ayon kay PEZA Director General Tereso Panga, ang ahensiya ay planong mag-proklama ng 30 bagong ecozones sa susunod na taon.

May developers din ayon kay Panga na nagbabalak magtayo ng mga ecozones sa CALABARZON, Central Luzon, at sa Cebu.

Nais din ng PEZA ang pagpapalago ng ecozones sa mga kanayunan partikular na sa Mindanao na layong itaguyod ang sektor ng agrikultura.

Kasama na rin sa mga target ng PEZA ang pagtatayo ng mga information technology parks upang mapalawak ang mga oportunidad sa mga kanayunan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble