Pamamahagi ng AICS sa mga mangingisda at dating CTGs sa Catanduanes, pinangunahan ni VP Sara

Pamamahagi ng AICS sa mga mangingisda at dating CTGs sa Catanduanes, pinangunahan ni VP Sara

PINANGUNAHAN ni Vice President Sara Duterte ang pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa mga mangingisda, abaca farmers, at mga dating rebelde sa Virac, Catanduanes.

Ayon kay Vice President Duterte na nakakapuno ng damdamin na makita ang mga ngiti ng mga tumanggap ng tulong kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kinilala rin ng pangalawang pangulo ang napakahalagang kontribusyon ng mga sektor na ito sa bansa, kaya aniya mahalaga na mabigyan sila ng suporta at iparating sa kanila ang serbisyo ng gobyerno.

Naghandog din si Vice President Duterte ng gift packs sa mahigit 1,000 out of school youth sa probinsiya ng Catanduanes.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter