Pamamahagi ng financial aid sa NCR Plus, 100% nang kumpleto

Pamamahagi ng financial aid sa NCR Plus, 100% nang kumpleto

NATAPOS na ng pamahalaan ang pamamahagi ng financial aid sa mga benepisyaryo sa NCR Plus.

Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na 22,915,422 beneficiaries mula Metro Manila, Rizal, Bulacan, Laguna, at Cavite ang nakatanggap ng kabuuang ₱22.88 billion hanggang Mayo 31.

Ito aniya ay mga residente na naapektuhan ng dalawang linggong pagpapatupad ng mahigpit na community quarantine noong Abril.

Sa nasabing halaga, nasa ₱11.17 million ang ipinamahagi sa Metro Manila; ₱2.97 million sa Bulacan; ₱3.42 million sa Cavite; ₱2.72 million sa Laguna; at ₱2.61 million sa Rizal.

Samantala, walong local governments aniya sa NCR Plus ang ibabalik sa Bureau of Treasury ang mga hindi nagamit na pondo na nagkakahalaga ng P26 million.

Ang mga lugar ay ang Navotas, Bacoor, Imus, Alfonso, General Emilio Aguinaldo, Magallanes, Los Baños, at Baras.

SMNI NEWS