IPINAG-utos na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng 40-K na family food packs sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island at Bacolod City.
Magsisimula ito sa Huwebes, Hunyo 6, 2024.
Mahigit 72K (72,235) pa naman ang available na food packs sa DSWD Western Visayas at Central Visayas field offices kung kayat sapat ang magiging ayuda para sa mga apektado.
Sinabi na rin ng ahensiya sa kanilang regional directors sa Negros na patuloy makipag-ugnayan sa central office hinggil sa monitoring ng sitwasyon.
Inatasan na rin ang field offices na magkaroon ng mobile command centers para sa mas mabisang komunikasyon sa pagitan ng national at local government agencies.