TULUY-tuloy ang pagkalinga ng gobyerno sa mga mamamayang apektado ng kalamidad sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), agad na nagbigay ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Field Office XI sa mga naapektuhan ng landslide sa Brgy. Mainit, Maco, Davao de Oro.
Dagdag ng PCO, ipinamahagi sa 23 na pamilya ang family food packs, hygiene kits, kitchen kits, sleeping kits at modular tents.
Pinangunahan naman ng DSWD-Eastern Visayas ang pamimigay ng 142 family food packs sa Kawayan, Biliran sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP).
Namahagi rin ang field office ng family food packs sa mga residente ng Dolores, Eastern Samar.