Pambansang Pabahay para sa mga Pilipino, inilunsad na sa Mindanao –DHSUD

Pambansang Pabahay para sa mga Pilipino, inilunsad na sa Mindanao –DHSUD

OPISYAL nang inilunsad ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa Mindanao ang National Housing for Filipinos, Zero ISF 2028 na programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Isang groundbreaking ceremony ang isinagawa ng ahensya sa Iligan City.

Pinangunahan ni assistant secretary Daryll Villanueva, at Iligan City Mayor Frederick Siao ang seremonya na hudyat ng paglulunsad ng isang proyektong pabahay para sa 480 na pamilya sa Bay Vista Village, Paitan, Brgy. Dalipuga, Iligan City.

Ang Pambansang Pabahay para sa mga Pilipino: Zero ISF 2028 Program ay naglalayong magtayo ng 1 milyong yunit ng pabahay kada taon sa susunod na anim na taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter