Pambato ng Las Piñas sa Bb. Pilipinas 2025, nag-courtesy call kay Mayor Mel Aguilar

Pambato ng Las Piñas sa Bb. Pilipinas 2025, nag-courtesy call kay Mayor Mel Aguilar

NAG-COURTESY call sa tanggapan ni Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar ang 21year old Filipino-Egyptian actress at beauty queen aspirant na si Bb. Dalia Varde Khattab.

Si Dalia ang pambatong kandidata ng Lungsod sa 2025 Bb. Pilipinas.

Mula pa 2017 nang manirahan si Dalia sa Lungsod ng Las Piñas para sa kwalipikasyon nito sa nasabing kompetisyon.

Binigyang-diin ng kandidata ang kanyang personal at propesyunal na pag-unlad sa Las Pin̈as na ikinonsidera nitong kanyang tahanan at pundasyon ng paglalakbay bilang isang artista, estudyante, at negosyante.

Nagpasalamat naman si Mayor Aguilar sa karangalang hatid ni Dalia sa lungsod para sa prestihiyusong beauty pageant sa bansa.

Kasalukuyang nasa ilalim ng Philippine Beauty Camp Aces & Queens si Dalia para mapahusay pa nito ang kanyang pagsasanay para sa national pageant nito ngayong taon.

Naitampok na rin si Dalia sa telebisyon at pelikula habang pinagbubuti pa nito ang kanyang international fashion pop-up brand na bumida na sa Tokyo, New York, at ibang malalaking lungsod.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter